Aabot sa 118 na bagong silang na Hawksbill sea turtle ang pinakawalan ng mga tauhan ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group nitong gabi ng Martes sa dagat na bahagi ng Honda Bay, Barangay Sta. Lourdes sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa biologist na nagbantay sa lugar na pinanganakan ng mga pawikan, matagal na umano nilang ini-assist ang mga itlog ng isang pawikan na nangitlog sa lugar hanggang sa nagsipisa ito.
Panahon na rin umano para palayain ang mga Hawksbill sea turtle na isa sa mga critically endangered na marine species sa bansa.
Tuwang tuwa naman ang mga residente ng lugar ng masaksihan ang mga maliliit na pawikan habang sila ay gumagapang patungo sa dagat.