Mas pinaigting ng Department of Trade and Industry – Romblon (DTI-Romblon) ang kanilang special market monitoring sa mga tindahan ng iba’t ibang goods sa probinsya ng Romblon.
Ayon kay Mary Grace Fontelo, Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Romblon, nagsagawa na last week ang kanilang opisina ng special market monitoring kaugnay na rin sa pagpapatupad ng Republic Act 10963 o mas kilalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIn) Law.
Para umano ito maiwasan ang paglobo ng presyo ng mga paninda sa lalawigan.
Matatandaang ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Bill ay naisabatas na matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 19 ng nakaraang taon.
Sa mensaho ni Fontelo sa Romblon News Network, wala pa naman umano silang nakikitang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing mga kalakal.