Kasunod ng Odiongan, nagpasa rin ng resolution ang Sangguniang Bayan ng Calatrava nag tumututol sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa kanilang bayan.
Sinasabi rin sa resolusyion na pinapakiusap nila sa lahat ng sektor sa lipunan na kontrahin rin ang Small Town Lottery sa kani-kanilang mga lugar.
Naipasa ang nasabing resolusyon nitong December 18 ng nakaraang taon.
Matatandaang nitong December ay nagsimula nang mag-operate ang Small Town Lottery sa buong Romblon matapos payagan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang Pines Estate Gaming Corp. na mag operate sa probinsya.
Nagsagawa pa ng community walk at rally sa Odiongan nitong December 15 para magpakita ng pagkontra sa nasabing palaro.