Nangangambang apektado ang spinal area ng isang babaeng estudyante ng Romblon State University matapos mahulog sa 18-feet na taas na bangin nitong hapon ng January 04 sa Brgy. Limon Norte, Looc, Romblon.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Looc, naglalakad umano ang babaeng estudyante sa highway at nang nasa gilid na siya ng kalsada ay biglang nadulas at bumulusok pababa.
Agad naman siyang ni-rescue ng mga tauhan ng MDRRMO, Rural Health Unit, Bureau of Fire Protection, at ng PNP.
Ayon pa sa MDRRMO, hindi makagalaw ang biktima ng maabutan ng mga rescuers sa baba ng bangin kaya ginamitan ito ng stretcher para maikakyat sa highway.
Alam na ng pamilya ang nangyari sa biktima at nagpapagaling na ito ngayon sa ospital.