Aabot sa 80 katao na graduate ng Romblon State University Main Campus at Erhard Systems Technological Institute ang nakapasa sa Criminologist Licensure Examination na ginanap nitong December 2017 sa mga lugar ng Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, General Santos, Iloilo, Legazpi, Lucena, Occidental Mindoro, Pagadian, Palawan, Pangasinan, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Batay sa datus ng Proffessional Regulation Commission, ang Romblon State University – Institute of Criminal Justice Administration ay nakakuha ng 55.17 passing rate sa 87 na kumuha ng exam. 44 rito ay mga first timer.
Ang Erhard Systems Technological Institute (ESTI) naman ay nakakuha ng 28.83 passing rate at 26 rito ay first timer habang 6 naman ang repeater.
Ang pagsusulit ay inihanda nina Hon. Ramil G. Gabao, Chairman; Hon. George O. Fernandez at Hon. Ruben A. Sta. Teresa, Members ng Board.
Sa pangkahalatang 13,025 sa 36,516 ang nakapasa sa nasabing pagsusulit.