Humina na ang bagyong Urduja na ngayon ay isa ng Tropical Depression ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 50gm Southwest ng Catarman, Northern Samar.
Taglay parin ng bagyo ang lakas na 60kph malapit sa gitna na may bugso namang 90kph.
Ibinaba na ng PAGASA ang lahat ng Tropical Cyclone Warning Signal #2 sa #1 kasama ang Romblon.
Signal #1 rin sa Southern part ng Occidental Mindoro, southern part ng Oriental Mindoro, Albay, Sorsogon, Masbate including Burias and Ticao Islands, at northern part ng Palawan including Cuyo and Calamian Group of Islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, northern portion ng Negros Occidental, northern portion ng Cebu, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Leyte, at Biliran.
Samantala, patuloy na makakranas ng scattered hanggang widespred rains ang Southern Quezon, Batangas, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Northern Palawan.
Pinag-iingat ng PAGASA ang lahat ng mga residente na nakatira sa mga nasabing lugar sa maaring pagbaha at pagguho ng lupa.