Nasa vicinity na ng Romblon ang bagyong #UrdujaPH ayon sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-2 ng hapon.
Huling namataan ang mata ng bagyong Urduja sa layong 65km East Southeast ng Romblon, Romblon.
Taglay parin ng bagyo ang lakas na 55kph at bugsong aabot sa 90kph. Gumagalaw ito sa West Direction sa bilis na 15kph.
Ayon sa PAGASA, patuloy na makakaranas ng cattereted hanggang widespread rains ang mga lugar ng Southern Quezon, Batangas, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, and Northern Palawan including Cuyo and Calamian Group of Islands sa mga susunod na oras.
Nakataas parin ang Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa mga lugar ng: Southern part ng Occidental Mindoro, southern part ng Oriental Mindoro, Romblon, Masbate including Burias and Ticao Islands, at northern part of Palawan including Cuyo and Calamian Group of Islands, Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.
Inaasahang Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng umaga ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility.