Tinanggal na ang storm signal sa lalawigan ng Romblon nitong gabi ng December 17 habang patuloy na tinutumbok ng bagyo ang Palawan.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa layong 35km West ng Cuyo, Palawan.
Taglay parin nito ang lakas na 55kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 65kph. Gumagalaw ito patungong West Southwest sa bilis na 17kph.
Sa ngayon, nakataas na lamang ang Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa lalawigan ng Palawan.
Samantala, huling namataan sa layong 1,705 km East ng Mindanao ang binabantayang Tropical Depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility.