Isang Thanksgiving Mass ang gaganapin sa Grotto de Banloc sa December 30, dalawang araw bago matapos ang taong 2017.
Ang nasabing Marian Thanksgiving Mass ay pagpapakita ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng blessings na binigay niya sa gitna ng mga pagsubok sa buhay ng tao.
Pangungunahan ang Mass ni Rev. Father Jevic Pendon ng Diocese of Romblon at ito’y magsisimula ng alas-5 ng hapon.
Pagkatapos ng nasabing Mass ay magkakaroon ng Spectacular Community Fireworks Display sa lugar kung saan inaasahang magi-enjoy ang mga mata ng lahat ng manonood.
Ayon sa pamunuan ng Grotto de Banloc, masasaksihan ng mga bibisitang Romblomanon sa lugar ang mala-MIMAROPA Festiva na gandang Fireworks Display.
Ang Grotto De Banloc ay nagsimula noong June 2015 bilang isang private meditation place para sa pamilya ni Jonathan Gaytano, residente ng Looc, Romblon hanggang sa dumating ang taong 2016 ng magdiwang ng kaarawan ang kanyang asawang si Virna, ay binuksan ito sa publiko.
Sa Grotto de Banloc rin matatagpuan ang nag-iisang Honesty Store sa lalawigan ng Romblon.
Bukas sa at libreng pumasok ang publiko sa Grotto de Banloc mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, araw-araw. Para sa iba pang impormasyon, hanapin lamang si Shirley Gaytano sa (0928) 873 4062.