Sinimulan na nitong nakaraang araw ang site layout at road corner survery ng mga tauhan ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) kasama ang Japan based company na Komaihaltec Inc. at mga engineers galing sa Toyo Construction Company para sa itatayong Wind Turbine sa Romblon, Romblon.
Inaasahang itatayo ang nasabing wind turbine sa Barangay Lonos at Agnay sa nasabing bayan bilang bahagi ng Renewable Projects ng Romblon Electric Cooperative, Inc.
Ayon sa ROMELCO, isa umano itong katuparan sa dating pangarap lang na wind turbine sa munisipyo ng Romblon.
Inaasahan rin na makakatulong ito sa malimit na brownout sa nasabing isla dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente.