Nasa ilalim na ng Tropical Cyclone Warning Signal #2 ang lalawigan ng Romblon dahil sa bagyong #UrdujaPH na patuloy na lumalapit sa kalupaan ng bansa.
Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan ang Romblon gayun rin ang Bicol Region, Visayas, Southern Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Mindoro Provinces, at Marinduque.
Huling namataan ang mata ng bagyong Urduja sa layong 75km North Northeast ng Borongan City, Eastern Samar. Taglay parin nito ang lakas ng hangin na 80kph at bugsong 110 kph habang tinatahak ang West direction sa bilis na 15kph.
Samantala, nakataas rin sa Tropical Cyclone Warning Signal #2 ang mga lugar ng Albay, Sorsogon, Masbate including Burias and Ticao Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Aklan, Capiz at Northen Iloilo.
Signal #1 naman ang mga lugar ng Southern Quezon, Mindoro, Marinduque, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Cuyo Islands, Calamian Group of Islands Antique, Rest of Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Northern Negros Oriental, Cebu, Northern Bohol, at Southern Leyte.
Inaasahang bukas ng madaling araw o umaga lalapit ng Romblon ang bagyong Urduja.