Isinailalim na sa Tropical Cyclone Warning Signal #1 ang lalawigan ng Romblon dahil sa maaring epekto ng bagyong #UrdujaPH sa suusunod na 36-oras.
Ayon sa 8AM Weather Bulletin ng DOST-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaring makaranas ng 30kph hanggang 60kph na hangin ang lalawigan.
Kasama sa Signal #1 ay ang mga lugar ng Catanduanes, Camarines Sur,Albay, Sorsogon, Masbate, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, and Southern Leyte, Northern Cebu including Bantayan Island, Capiz, Aklan at Northern Iloilo.
Huling namataan ang mata ni #UrdujaPH kaninang 7AM sa layong 140km East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay parin nito ang lakas na 55kph malapit sa gitna at may bugsong hangin na hanggang 65kph. Bahagya naman bumilis ang takbo nito sa bilis na 10kph West.
Ayon sa PAGASA, Sunday morning maaring nasa 70km Southwest ito ng Romblon, Romblon.