Muling nagkasa ngayong araw ng Oplan Linis Piitan ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology sa Odiongan District Jail sa pakikipagtulungan ng Odiongan Municipal Police Station at Bureau of Fire Protection.
Ikinasa ang operasyon pasado alas-6 ng umaga kanina kung saan pinasok ang mga selda ng mga preso at hinalughog ang kanilang mga gamit.
Nakuha ng mga otoridad ang ilang pinagbabawal na mga bagay sa loob ng kulungan kagaya ng kutsara at tinidor na gawa sa aluminum, blade, ballpen, gunting, pantali at mga pabilog na hanger.
Pinagbabawal ang hanger sa loob dahil pwede umano itong baliin at tulisan ang dulo at baka magamit sa gulo.
Ayon kay Jail Senior Inspector Irene Gaspar, Warden ng Odingan District Jail, programa talaga ng BJMP na linisan ang mga presento lalo na ngayo’t magpapasko at madami ang dadating na mga dalaw galing sa labas.