Matapos lumabas sa balita ang unang batch ng mga nagbakasyon na OFWs na nakatanggap ng OFW ID, inulan naman ng batikos ng mga netizens ang design ng nasabing ID dahil sa watermark na mukha ni Pangulong Duterte na anila, mas malaki at coloured pa kumpara sa photo ng ID card holder – maliit na nga, black and white pa. Ayon sa mga nagbabatikos, isa umanong kaepalan ang paglalagay ng mukha ng Pangulo sa ID.
Matatandaang ayaw ng Pangulo sa pagiging ‘epal’ ng mga pulitiko. Sa katunayan, kahit ang kanyang portrait sa mga opisina ng gobyerno ay pinapatanggal. Ayon naman sa explanation ng palasyo, hindi umano ito dumaan sa approval ng Pangulo.
Ang OFW ID, ay pumalit sa dating Overseas Employment Certificate (OEC) na kadalasang kinukuha ng mga OFWs na magbabakasyon o e-dedeploy upang magkaroon ng exemption sa pagbabayad ng Airport Terminal Fee at Travel Tax. Integrated din umano sa OFW ID ang iba pang sistema para sa transaction sa iba pang tanggapan ng pamahalaan.
Sa katunayan, isa ako, bilang OFW at community leader sa Qatar, ang nagbigay ng suhestiyon noon sa POLO Qatar nang humingi ito ng suhestyon para sa legislative agenda ng DOLE, noong kakaupo pa lang ni Sec. Bello, na palitan ang OEC ng isang unified OFW ID na mas mahaba ang expiration para mas convenient sa mga OFW. Kung kaya’t sa pagkakaroon ng OFW ID, ako personally ay natutuwa.
Read article: On OFWs’ Demands: Pres. Duterte’s progress is far ahead
Sa watermark ng mukha ng Pangulo, para sa akin hindi ito isyu, bagamat lumalabas nga lang na taliwas ito sa sinasabi rin ng Pangulo kontra sa pagiging epal ng mga pulitiko. Ang mas kritikal at mahalagang isyu para sa akin ay ang security feature ng OFW ID.
Una, ito lang yata ang ID na QR Code lang ang gamit. Para saan ba ang QR Code? Bakit QR Code ang gamit imbis na ibang security code na tanging ang mga agencies lang na gumagamit ng system ng ID ang makakabasa?
Sinubukan kong e scan ang QR Code gamit ang phone app QR Code scanner, at kaya ngang basahin ang laman ng QR Code – ito ay ID number dun sa mga totoong ID, while ‘Test’ ang lumalabas diyan sa sample ID ni Sec. Bello. Hindi rin nag eexecute ang QR Code ng iba pang program para e konek ang ID sa isang system. Halimbawa, kapag e scan ito ng immigration officer, dapat e connect ito sa isang system to verify na ang ID holder ay syang naka rehistro na OFW sa database ng POEA.
Kadalasan, ang QR code ay ginagamit sa mga commcercial products para pag e scan ito ng phone ay ika-capture ng phone ang information sa QR Code tulad ng website link at automatic mag execute ito to connect sa website ng brand o tindahan ng product.
So, ulit bakit QR Code po ang nasa ID na pede pa basahin ng kahit sino gamit ang common mobile application ang naka encrypt na information sa QR Code? Hindi baga dapat ang data encryption sa QR Code ay tanging ang may hawak lang ng system ang makakabasa at hindi ang kahit sino gamit lang ang simple mobile application?
Samakatuwid, tila walang tama o mataas na security feature ang OFW ID base sa kanyang design sa ngayon, at kung ganun nga ito, abah madali ito mapeke katulad ng mga namemeke diyan sa Recto.
Ang security feature ng OFW ID card ang mas valid o critical na isyu kumpara sa watermark ng mukha ng Pangulo.