Tinamaan ng brownout ang ilang lugar sa Odiongan, Romblon kaninang alas-2 ng hapon dahil sa fault line.
At ayon sa Facebook post ng Official Facebook Account ng TIELCO, ang dahilan ng fault line ay ang ahas na umakyat sa poste ng Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) sa Barangay Poctoy.
ADVERTISEMENT
Makikita sa litrato ng TIELCO ang sunog na katawan ng ahas.
Agad ring naibalik ang kuryente makalipas ang ilang minuto.