Magtitipun-tipon ngayong Biyernes, December 15, sa Odiongan Children’s Park and Paradise sa Odiongan, Romblon ang mga iba’t ibang grupo at personalidad na tumutul sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa Odiongan at probinsya ng Romblon.
Papangunahan ng Inter-Faith Council ng Odiongan ang nasabing pagtitipon kung saan susuportahan rin ng ilang Non-Government Organization, mga nasa Academe, ilang nasa Government Agency, at mga concerned citizens.
Makikiisa rin sa nasabing pagtitipon ang Liga ng mga Barangay sa Odiongan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Odiongan kasama si Vice Mayor Mark Anthony Reyes at Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Magsisimula ang kanilang pagtitipon nang alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga.
Ipapakita umano nang mga magra-rally na marami ang mga taga-Odiongan ang tumutol sa Small Town Lottery (STL) na inaprobahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mag-operate sa probinsya.