Inaasahang sa first quarter ng 2018 ay matatapos na ang itinatayong ‘modernized’ Rizal Park sa bayan ng Magdiwang, Romblon.
Ayon kay Engr. Julio Rance ng makausap ng Romblon News Network, para maging modernized ang parke ay lalagyan nila ito ng fake na bermuda grass para hindi na kailangan diligan at pwede sa lahat ng type ng weather.
Sinimulan ang konstruksiyon sa nasabing parke noong March 23, 2017 at ito’y nilaanan ng Local Government Unit ng aabot sa P1.8-million pesos.
Natagalan umano ang pagtapos sa nasabing parke dahil sa pabago-bagong panahon sa lugar kaya minsan’y itinitigil ang konstruksiyon.
Ayon naman kay Mayor Denisa Repizo, ang nasabing proyekto ay para sa mga mamayan ng Magdiwang kaya hindi na ito idinaan sa Public Consultation.
Malaking tulong rin ito lalo na pagdating sa turismo ng nasabing bayan.