Libo-libong lumber galing sa mga pinutol na puno ng niyog ang binabayahe galing Banton, Romblon patungong Lucena City, Quezon nitong mga nakaraang Linggo.
May mga permit umano ang pagpuputol ng punong kahoy galing sa Philippine Coconut Authority Romblon kaya pinapayagang maibiyahe.
Nababahala naman ang ilang residente ng Banton sa kalagayan ng mga bundok sa Banton dahil maraming beses na umano nilang nakikita ang mga truck na puno ng kargang coco lumber na lumuluwas galing sa kanilang bayan.
Samantala, sinabi ni Vice Mayor Loi Jorge Fegalan sa pamamagitan ng Uswag Banton FB Group na nagpasa na sila ng resolusyon noong July 2017 para masugpo ang iligal na pagpuputol ng kahoy sa kanilang isla ngunit patuloy umano ang pag-approved ng PCA-Romblon sa mga application ng mga taga-Banton na gustong magpaputol ng punong kahoy.
Wala pang pahayag ang Philippine Coconut Authority – Romblon kaugnay rito.