Aabot sa P637,680 halaga ng mga meat processing equipments ang ipinagkaloob na grant ng Department of Science and Technology (DOST) Romblon sa Local Government Unit ng Odiongan.
Pinangunahan ang nasabing seremonya nina DOST Romblon Provincial Director Marcelina V. Servañez at Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Ilan sa mga pinagkaloob ng DOST-Romblon ay Silent Cutter, Meat Grinder, Meat Slicer, Smoke House, Digital Weiging Scale, SS Brine Injector, Stainless Table, at iba pa.
Nagbigay rin ng Sticker Label para sa tocino at lonanisa ang DOST-Romblon sa Local Government Unit ng Odiongan.
Ang nasabing mga gamit ay ilalagay sa tinatayong QMS-Conforming Factory sa Odiongan Public Market para sa Red Meat Products. Dito pwedeng rentahan at gamitin ng mga mamimili ang mga gamit para sa makabuo ng kung anong gusto nilang produkto.