Isang tulog na lang at Bagong Taon na. Marami na ang abala sa pamimili ng mga ihahanda sa Media Noche upang pagsalu-saluhan ng pamilya, kamag-anak o kaibigan.
Sa gitna ng selebrasyon ng bagong taon, maraming mga tradisyon o nakagawian ang mga Pilipino tulad halimbawa ng paghahanda ng mga bilog na prutas na diumano ay para mag invite sa mga biyaya sa bagong taon. Gayun din, nagpapaputok upang itaboy diumano ang mga masasamang espiritu, samantalang ang iba naman ay nagmumuni-muni sa pagkakaroon ng mga new year’s resolutions. Ang mga bata naman ay lumulundag ng mataas sa paniniwala na lalaki silang matangkad.
Bagama’t nirerespeto ko ang paniniwala ng iba sa mga pagan traditions na ito ng mga Pilipino sa pagsapit ng bagong taon, mas mainam na sa ating Buhay na Diyos natin ilagay ang ating pag-asa at pananalig ukol sa mga biyayang tatanggapin sa bagong taon at hindi sa mga bilog na prutas. Ang sabi nga sa Philippians 4:19, “And my God will meet all your needs according to the riches of His glory in Christ Jesus.” Isa po itong napakagandang pangako sa atin ng ating Panginoon Hesus na tumitiyak na hindi Nya tayo pagkukulangin sa ating mga pangangailangan. Take note, magkaiba ang ‘need’ sa ‘want’.
So, papaano nga ba natin dapat e celebrate ang Bagong Taon, o ano ang mga dapat maging pamantayan ng ating gagawing mga resolutions para sa bagong taon?
Ayos lang naman na may mga, sabihin nating festive na handaan upang pagsaluhan ng buong pamilya o imbitahan pa ang mga kaibigan at kapitbahay. Ito naman ay bahagi lamang ng selebrasyon. Ang nagiging problema lang minsan, ang iba naman ay kailangan pang mangutang para pang handa sa bagong taon. Kung hindi na rin naman kailangan na masyadong marami o magarbo ang handaan ay simplehan na lamang ito. Hindi na rin kailangang mang imbita ng buong kapitbahay, kasi kung tutuusin bawat naman bahay ay may kanya-kanyang selebrasyon sa bagong taon. Ika nga, maging ‘praktikal’ na lamang.
Maaaring balik-tanawin ang mga pangyayari sa nakalipas na taon, maganda man ito o mabuti na maaaring kapulutan ng aral sa buhay o ipagpapatuloy. Ang mga pangit na nangyari sa buhay ay kapulutan ng aral, matuto, at tiyaking hindi na mangyayari ulit. Samantala, ang mga mabubuting nangyari naman ay maaaring ipagpatuloy o kaya ay mas pagandahin o pagbutihin pa.
Ang mga new year’s resolutions ay magandang simula ng desisyon na magbago – na hindi na gagawin ang hindi magandang bagay o gawi, kundi babaguhin na ang mga ito, o kaya ay may mga bagong desisyon o aksyon na gagawin para sa mas ikakabuti. Yun nga lang, kadalasan, ang ating sariling kakayahan ay mahina at kulang, kung kaya’t kailangan nating umasa sa kapangyarihan ng ating Diyos nang sa gayon ay mapagtagumpayan nating gawin ang ating mga resolutions in lives.
Samakatuwid, ngayong Bagong Taon, dapat Bago o Mas Bagong Buhay – Buhay na ayon sa kalooban ng Diyos, Buhay na mas umaasa, nananalig, nagtitiwala at nanampalataya sa Diyos.