Naaprubahan na ang P5-million na pondo ng Provincial Government na ilalaan sa pagsasaayos ng Azagra Airstrip sa Azagra, San Fernando, Romblon sa susunod na taon.
Ayon kay Governor Eduardo Firmalo nitong makapanayam ng Romblon News Network nitong weekend, naglaan sila ng P4-million para sa land accusation para sa runway ng airport, at P1-million naman para sa grading ng nasabing lupa.
Samantala, naglaan rin ang Provincial Government ng P3-million pesos para sa pantalan sa San Fernando na pwedeng daungan ng eroplano na pwede sa dagat lalo na ang mga eroplano ng Air Juan Airlines na matagal ng interesado sa ruta ng Sibuyan Island.
Pagpasok ng 2018 pwede na umanong ilabas ang pundo ng probinsya para sa mas mabilis na usad ng mga nasabing proyekto, ani ni Governor Firmalo.
Matatandaang nitong unang quarter ng 2017 ay nagsagawa ng inspection ang mga opisyal ng Department of Tourism MIMAROPA at Air Juan Airlines sa Azagra Airstrip. Plano umano ng Air Juan Airlines na magkaroon ng chartered flights gamit ang kanilang seaplanes patungo sa lugar na tinatawa nilang ‘the Galápagos of Asia’.
Sa interview nitong February 2017 ng Business Bulletin kay Tina Di Cicco, Chief Marketing Office ng Air Juan, plano talaga umano nilang mag extend ng mga biyahe patungong Nortern at Southern Luzon na kung saan aabot lamang ng 30 to 60-minutes na travel time galing Manila.