Kinumpirma sa Philippine Information Agency ni Engr. Rene Fajilagutan, general manager ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) na sa 2018 ay magiging 24 hours na ang serbisyo ng kuryente sa island municipality ng Corcuera.
Sa ngayon umano ay nagpapatuloy ang pagsasaayos ng distribution lines sa buong isla bilang paghahanda sa 24 hours operation ng planta sa susunod na taon.
Ayon naman kay Corcuera Mayor Rachel Bañares, magsasagawa ng dry-run ng 24-Oras na serbisyon ng kuryente ang ROMELCO sa December 22 hanggang matapos ang taon 2017.
Panahon pa umano ni National Power Corporation President Gladys Sta Rita ay nailatag na ang planong 24-Oras na supply ng kuryente sa bayan, katunayan, nalagay na ito sa mga proposal noong nakaraang taon pa.