Marami ring kaakit akit na lugar na pasyalan sa bayan ng San Andres, Romblon na muling dinadalaw ng mga Tao. Hindi lang dahil sa taglay na kagandahan ng mga lugar kundi dahil ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa mga tao sa abot kayang halaga lamang.
Ating kilalanin ang Top 5 na pinaka kaakit-akit at madalas puntahan sa Bayan ng San Andres, Romblon.
1. San Andres Beach (Barangay Poblacion)
Ang San Andres Beach ay ang pinaka paboritong puntahan ng mga tao sa lugar ng San Andres dahil sa taglay nitong kagandahan. Kagaya ng mga sikat na Beach, ang San Andres Beach ay nagtataglay din ng magandang uri ng buhangin at malinis na dagat na masarap pag languyan ng mga bata o matanda. Dahil sa lawak ng “Baybay”, maaari ring magsagawa ang barkada ng Iba’t ibang aktibidad gaya ng beach volleyball at iba pa. Maganda rin ang lugar para magpakuha ng larawan.
Ang San Andres Beach ay pampublikong lugar, bukas at libre sa lahat ng mamamayan.
2. San Andres Seaside Park (Barangay Poblacion)
Kung naghahanap ka naman ng lugar na malapit sa dagat, ang lugar na ito ay swak sa iyo. Ang San Andres Seaside Park ay madalas na puntahan ng mga magkasintahan, magkakaibigan o pamilya dahil sa kaaakit akit na tunog ng dagat na katabi nito. Sinasabe din na mas atraktib ang Park na ito tuwing Gabi dahil binubuksan ang ibat ibang kulay ng ilaw na nakapalibot sa Parke. Maaari ring maligo sa dagat ang mga bumibisita sa lugar na ito dahil hindi ito nalalayo sa San Andres Beach.
Ang San Andres Seaside Park ay pampublikong lugar at libre sa lahat ng nais magpunta dito.
3. Footprints Beach Resort, Brgy. Agpudlos
Kung dagat talaga ang hanap mo sa pagbisita mo sa San Andres, Romblon at kinakailangan mo ng tahimik na lugar, malayo sa mabilis na internet connection, at malayo sa gulo ng motorsiklo; ang pagbisita sa Footprints Beach Resort sa Barangay Agpudlos, Romblon ang bagay sayo. Libre ang entrance fee sa lugar at tanging P500 para sa cottage lamang na tutuluyan ang babayaran. May available rooms rin sila sa mga gusto ng overnight stay o di kaya’y mag camping.
4. Mablaran Falls, Brgy. Linawan
Ang Talon sa Sitio Mablaran ng Brgy. Linawan ay madalas puntahan ng mga magpapamilya at magbabarkada na gusto magliwaliw sa mala-pribadong resort. Sa halagang P10/head ay maaari mo nang talunin ang halos 15feet nitong Falls. Pwede ding magrenta ng cottage at Salbabida sa halagang P50 lang. Nagbubukas ang Mablaran Falls tuwing alas syete ng umaga at nagsasara naman tuwing alas syete ng gabi. Katulad ng San Andres Beach, ang Mablaran Falls ay pampublikong lugar at ang pera na nalilikom ay ginagamit upang mas mapaunlad pa ang nasabing pasyalan.
5. Sunflower Maze Farm, Brgy. Mabini
Tuwing buwan ng Mayo lamang pwede puntahan ang magandang atraksyon na ito sapagkat ito ang panahon na lubos nang sumibol ang mga kaakit-akit na sunflower. Sa halagang P35 pesos ay maaari mo nang malibot ang halos dalawang ektarya ng Sunflower Maze. Sinasabe na ang mga sunflower ay lumalaki na kasing laki ng mukha ng tao. Maaari ding bumili ng mga bulaklak sa halagang 25-50pesos/piraso depende sa laki nito. Ayon sa may-ari, ang mga seedling ng kanilang sunflower ay nanggaling pa sa Thailand.