Nagtipon-tipon ngayong Bonifacio Day para ipanalangin ang bansang Pilipinas ang iba’t ibang religious group sa tatlong malalaking isla ng Romblon: Romblon, Tablas, at Sibuyan.
Sa Tablas Island, isinagawa ang pagtitipon na nilahukan ng mahigit 1,000 katao sa bayan ng San Agustin, Romblon.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang parada kung saan naglakad ng halos 1-km ang mga dumalo.
Ipinanalangin ng grupo ang kaayusin ng Pilipinas, at ang mga nangyayaring gulo sa Mindanao.
Sa bayan ng Romblon, dinaluhan rin ng iba’t ibang religous group ang nasabing pagtitipon sa Romblon Public Theatre.