Ibinida ng mga taga-Mindoro ang kani-kanilang mga ipinagmamalaking produkto sa ginaganap na Tourism-Agri-Trade & Innovation Fair sa Romblon State University Main Campus.
Nagtayo ang Oriental, Occidental at Calapan City nang magkahiwalay na booth sa nasabing fair para ibida ang iba’t ibang produkto ng kanilang probinsya.
Sa Oriental Mindoro, kanilang pinagmamalaki ang kanilang mgaa produkto kagaya ng seaweed canton, suman, bigas patis at iba pa ngunit mas tinatangkilik ng mga tao ang kanilang suman sa lihiya at flavored juice.
Nagkakahalaga ang kanilang mga produkto ng P15 hanggang sa P500 kada isa.
Pinarangalan rin bilang Most Innovative product para sa ang knilang produktong Propolis Shampoo.
Samantala sa booth naman ng Occidental Mindoro naka-display ang kanilang sikat na Corn Husk Handicrafts, Honey, Flavored Salted Egg, Ligad Wood carvings, Nica Food Products, Pasakami Products, Rich Blitz Sweets at iba pa na umaabot naman ng P35 hanggang P500 ang halaga kada isang produkto.
Naka-display rin sa booth ng Oriental Mindoro ang mga pwedeng pasyalan sa kanilang probinsya para sa mga gustong pumunta sa susunod na taon para sa MIMAROPA Festival 2018.