Isang ganap na bagyo na ang binabantayang Low Pressure Area sa may bahagi ng Mondragon, Northern Samar kaninang alas-7 ng umaga at pinangalanang Bagyong Salome.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang dadaan ng Sibuyan Sea ang bagyo ngayong araw.
Dahil sa bagyo, nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 sa Romblon, ganun na rin sa mga probinsya ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate including Ticao and Burias Islands, Marinduque, Southern Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Leyte including Biliran.
Pinalalahanan ng PAGASA ang mga residente na nasa TCWS #1 ganun na rin ang sa ilan pang bahagi ng Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila, at Eastern Section ng Central Luzon na mag-ingat sa banta ng flashfloods at landslides.
Magiging masama rin ang alon ng dagat sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS #1.