Online na ngayong gabi ang kauna-unahang tourism website ng probinsya ng Romblon ayon kay Governor Eduardo Firmalo. Ito ay ang visitromblonislands.com na ginawa ng Explora.ph para sa lalawigan.
Sa kanyang talumpati sa launching ng website, sinabi nitong ang bagong wesbite ay para mas madaling malaman ng mga bisita kung ano ang magagandang pasyalan sa lalawigan ng Romblon.
Ang isa sa mga feature ng nasabing website ayon kay Tourism Officer Kim Faderon ay ang kakayahang mag-book online ng mga hotel sa mga kilalang hotels sa lalawigan.
Ilalagay lang umano sa website kung anong bayan at anong hotel ang gustong tuluyan at ilang araw na mananatili. Maari rin umanong magbayad ng mga booking sa pamamagitan ng online banking sa pamamagitan ng debit o credit card.
Maliban sa mga hotels, makikita rin sa website ang iba’t ibang tourist attraction sa buong lalawigan ng Romblon.
Kasabay na inilunsan ngayong gabi ay ang Romblon Tourism Brochure na ginawa rin ng Explora.ph
Ayon kay Faderon, nagpagawa sila ng aabot sa 12,000 copies para masimulan na itong mai-circulate sa iba’t ibang bayan at probinsya.
Makikita sa brochure ang mapa ng Romblon at kung ano ang makikita sa bawat bayan nito.