Bahagyang lumakas ang bagyong #SalomePH habang binabaybay nito ang Ticao Pass. Inaasahan namang babaybayin nito ang Sibuyan Sea mamayang hapon.
Namataan kaninang alas-10 ng umaga ang sentro ng bagyo sa layong 50km South Southwest ng Juban, Sorsogon.
Taglay ng bagyo ang lakas na 55 kph malapit sa gitna at gustiness na hanggang 90kph. May bilis ang bagyo na 25kph at inaasahang Saturday morning ito lalabas ng Phippine Area of Responsibility.
Nakataas parin ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 sa mga lugar ng Metro Manila, Rizal, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate including Ticao and Burias Islands, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Leyte including Biliran.
Pinag-iingat ang mga nasa nasabing lugar sa banta ng pagbaha, landslide, at malalakas na alon ng dagat.