Dumayo ng Odiongan, Romblon ang mga magigiting na mangingisda ng bayan ng Santa Fe, Romblon para sumali sa Bugsayan Competition na bahagi ng pagdiriwang ng MIMAROPA Festival 2017.
Ang salitang Bugsayan ay hango sa salitang ‘bugsay’ o ‘saguan’. Ang bugsayan halos hawig sa Dragonboat Race kung saan sabay-sabay na pagsaguan patungo sa iisang direskyon ng mga miyembro.
Ayon kay Engr. Charlie Andres, ang karerang pang-dagat ay may anim (6) na koponan ang naglaban-laban sa nasabing kompetisyon na binubuo ng 14 na taga saguan at isang drummer.
Sa huli, nagwagi ang Canyayo-Mat-i Guintigbasan Team sa karera, pumangalawa naman ang Agmanic-Tabugon Team at ang pangatlo ay ang Danao Sur-Danao Norte Team.
Nilinaw ni Louie Firmalo na ang tumayong sponsor sa patimpalak na ‘Bugsay’ ay ang pamunuan ng Sta. Fe, Romblon na sina Ginoong Henry Malunes, Engr. Charlie Andres at suporta ng Munisipyo ng Sta. Fe lalong-lalo na kina SB Nelsie Coching, SB Melwin Ponsalan, SB Dadoy Cawaling, SB Edmundo Malacad, Captain Nerelita Mateo at Ginoong Roger Magcalayo.