Ramdam na ramdam na ang Pasko sa lalawigan ng Romblon matapos pailawan sa bayan ng Alcantara ngayong gabi ang pinakamalaking Christmas Tree sa Romblon na may taas na halos 90ft o halos kasing laki ng 8-palapag na building.
Matatagpuan ang Giant Christmas Tree sa Public Plaza ng nasabing bayan.
Kasabay na pinailawan sa nasabing Christmas Tree ang nag gagandahang mga booth ng bawat barangay ng nasabing bayan. Ilan sa booth ay may mga belen, at iba’t ibang kulay ng kumukutikutitap na Christmas Lights.
Todo pa picture naman sa Christmas Tree ang mga sumaksi sa nasabing lighting na tinatayang umabot ng mahigit 1,000 katao.
Bago pa man pailawan ang iba’t ibang booth at ang Giant Christmas Tree, nagkaroon ng maikling programa sa plaza kung saan nagpakitang gilas ang mga bata sa kani-kanilang talinto katulad ng pagsasayaw ng iba’t ibang Christmas Song.