Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa may bahagi ng Eastern Samar kaninang umaga.
Namataan ng PAGASA kaninang alas-4 ng hapon ang LPA sa layong 340 km ng Guiuan, Eastern Samar at inaasahang maging bagyo sa loob ng 36 hours.
Sa report ng ABS CBN News kanina, maaring dumaan ng Masbate, Romblon at Mindoro ang nasabing bagyo ngayong weekend kaya dapat maghanda ang mga lugar na madadaanan.
Inaasahang magpapaulan na bukas ng gabi ang nasabing bagyo sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.