Binuksan na rin ngayong araw sa publiko ang MIMAROPA Tourism-Agri-Trade & Innovation Fair sa Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon kung saan tampok ang iba’t ibang produkto ng mga probinsya sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan).
Dinaluhan ni Governor Eduardo C. Firmalo ng probinsya ng Romblon, Mayor Trina Firmalo-Fabic, Department of Science and Technology Regional Director Josefina Abilay, DTI Regional Director Joel Valera, at Department of Agriculture Regional Executive Director Antonio Gerundio at Assistant Regional Director Ronnie Panoy, at Department of Tourism Regional Director Danilo Intong, kasama ang ilang opisyal ng probinsya.
Ilan sa mga kilalang investor sa Romblon ang nagtayo rin ng booth sa nasabing fair, katulad nalang ng Manhac Blue Crab ng Looc, Romblon at ng M.Y. Farm ng San Andres, Romblon.
Bukas ang Tourism-Agri-Trade & Innovation Fair sa Romblon State University Main Campus hanggang November 25.
Ang nasabing Tourism-Agri-Trade & Innovation Fair ay bahagi ng MIMAROPA Festival 2017.