Nagpatalbugan ang iba’t ibang bangkero ng kanilang kakaibang design ng mga ‘paraw’ sa ginanap na Paraw Regatta sa Odiongan, Romblon bilang bahagi ng pagdiriwang ng MIMAROPA Festival 2017.
Ayon kay Provincial Tourism Officer Tony Mayuga, aabot sa dalawamput dalawa (22) na kalahok mula sa iba’t ibang barangay ng Odiongan ang dumayo sa Firmalo Boulevard sa Barangay Tabin-dagat para sa nasabing kompetisyon.
Nahati sa dalawang kategorya ang nasabing kompetisyon kung saan may Paraw Reggata Race at Paraw Regatta Sail Boat.
Sa Paraw Regatta Racing, nakuha ni Nory Cahilig ng Brgy. Gabawan ang ikatlong pwesto, pangalawa naman si Rey Malunes ng Brgy. Budiong at ang nanguna sa karera ay si Glenly Fabello Jr. ng Brgy. Gabawan.
Sa best in Sail boat naman, nakuha ni Pedro Paner Jr. ang unang pwesto, pangalawa c Richard Suguilon at pangatlo si Jeoffrey Paner.
Maliban sa malaking premyo sa mga nanalo, nakatanggap rin ng consolation prize ang mga lumahok.