Halos sa P60,000 na halaga ng Christmas Lights na walang PS/ICC Markings ang nasamsam ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) – MIMAROPA Regional Monitoring and Enforcement Team sa apat na tindahan sa Odiongan, Romblon nitong nakaraang mga araw.
Ayon sa DTI MIMAROPA Regional Monitoring and Enforcement Team, nagkulang sa requirement ang mga christmas lights o di kaya’y ibinebenta ng walang ICC Stickers.
Pinag-iingat ng Department of Trade and Industry – Romblon ang mga mamimili ngayong pasko na siguraduhing may kalidad at ligtas ang mga bibilhin hindi lamang sa pagbili ng Christmas Lights kundi sa mga appliances, electrical supplies, construction materials, sanitary wares, monobloc chairs, at iba pa.
Siguraduhin ring may ICC Stickers ang mga nasabing produkto para masiguro ang kalidad nito.
Maaring magsumbong sa opisina ng Department of Trade and Industry – Romblon sa Sitio Cocoville, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon ang lahat ng mga gustong ireklamo.