Tampok sa booth ng probinsya ng Palawan sa Tourism Agri-Trade & Innovation Fair sa Odiongan, Romblon ang ganda ng kultura ng kanilang probinsya at mga sariling likha na mga produkto ng mga Palaweño.
Makikita sa kanilang booth ang iba’t ibang produkto na gawa sa kahoy na pwedeng gawing pang display o souvenirs kagaya ng mga creative rags, charms, at wood carvings.
Isa sa mga nililok ng mga Palaweño ay ang maliit na kahoy na hugis tao na ayon sa mga residente ng Palawan ay may kahulugang “Prosperous Harvest”.
Hindi rin mawawala ang masasarap na pagkain ng kanilang probinsya kagaya nalang ng tsokolate na gawa sa bunga ng cacao. Ang Palawan ay kilala rin sa kanilang mga cashew nuts na nagkakahalaga lamang ng P1,000 per kilo habang ang kanilang dried fish ay nagkakahalaga ng P450 ang bawat kilo.
Sa bayan naman ng Coron, kanilang ipinagmamalaki ang mga produktong gawa sa kawayan.