Kasama ang isla ng Carabao Island sa Romblon sa mga lugar na posibleng daanan ng mga barko kung sakaling natuloy na ang MIMAROPA Island Cruise na inilatag ng National Economic and Development Authority Region 4B.
Kung sakaling matuloy ito galing San jose, Mindoro Occidental Mindoro didiretso ang curise ship sa Carabao Island, Romblon at didiretso ng Boracay Island, Aklan.
Sa presentasyon ni Ms. Lorna Villaseñor, MPDC ng San Jose, Romblon sa harap ng mga investors nitong November 22, sinabi niyang malaking bagay ang pag-upgrade sa Port Facilities sa kanilang isla.
Sinabi naman sa Philippine Ports Authority, handa umano nilang tulungan ang isla ng San Jose ngunit kailangan umano munang malipat sa kanilang opisina ang operasyon ng pantalan. Sa ngayon kasi hindi hawak ng Philippine Ports Authority ang nasabing pantalan.
Ipapaabot umano ito ni Villaseñor sa Sangguniang Bayan ng San Jose at sinabing maganda umano ito para sa turismo ng isla.
Ipinakita rin ni Villaseñor ang Master Plan ng kanilang isla kung saan makikita ang planong pagtatayo ng International Airport, Hotels, Golf Course, Central Business District, Industrial & Cyberzone, at magagandang resorts.
Noong nakaraang taon, umabot umano ng 36,000 ang turistang dumayo sa isla.