Isang bodega ng mga panindang bakal, semento at kahoy sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon ang nasunog pasado alas-8 ngayong gabi.
Nakatanggap umano ng tawag ang Bureau of Fire Protection galing sa guard ng katabi nitong paaralan na may umuusok umano galing sa nasabing bodega. Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP at ilang fire volunters kasama na ang mga kapulisan ng Odiongan Municipal Police Station.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot ng mahigit kumulang P300,000 ang damage ng apoy dahil sa mga sako-sakong ementong nabasa ng tubig.
Naagapan namang naapula ang nasabing sunog kaya hindi na nadamay ang katabing bodega ng mga LPG at ang katabi nitong gasulinahan.
Patuloy na iniiimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang nasabing aksidente at inaalam kung saan nangsimula ang apoy.