Nakatanggap ng ‘goods’ ang mga residente ng apat na Barangay sa Santa Maria, Romblon nitong nakaraang araw galing sa isang foundation.
Galing ang mga goods sa EMBRACE PROGRAM ng Jaime V. Ongping Foundation sa pakikipagtulungan na rin Rotary Club of UPTown Manula, Gabat Sta. Maria at Romblon funds for Little Kids.
Nabigyan nila ang aabot sa 490 na pamilya galing sa mga Barangay ng Concepcion Sur, Concepcion Norte, Sto. Niño, at Cabugao. Ito ang mga barangay na sinalanta ng masamang panahon noong Setyembre dala ng dalawang bagyo na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility noong panahong iyon.
May lamang bigas, kape, noodles, corned beef, meat loaf, sardinas at asukal ang ipinamahagi ng grupo.
Masaya naman itong tinanggap ng mga kababayang naghintay talaga sa tulong na ipagkakaloob sa kanila ng foundation.