Idineklarang na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) MIMAROPA ang mga bayan ng San Agustin, Looc, at Romblon sa probinsya ng Romblon bilang isa ng drug-cleared municipality.
Sa validation ceremony na ginanap ngayong araw sa Odiongan, tinanggap ng mga hepe ng mga istasyon sa nasabing bayan ang certification.
Sinabi ni PDEA-MIMAROPA OIC Regional Director Ryan Calzenas na 15 out of 17 municipalities ng probinsya ang nadiklara ng drug-cleared at tanging Odiongan at Cajidiocan nalang ang hindi pa nadidiklara.
Dinaluhan ang nasabing seremonya nina Romblon Governor Eduardo Firmalo, Romblon Police Provincial Office Director Leo Quevedo, mga representatives galing ng Department of Interior and Local Government, Department of Health. Nasa pagtitipon rin si Romblon Mayor Mariano Mateo, San Agustin Vice Mayor Zaldy G. Marin, at Looc Sangguniang Bayan Member Reyam Reyes.
Ayon kay Romblon Police Provincial Office Director Leo Quevedo, hindi natatapos rito ang trabaho ng kapulisan at patuloy silang magbabantay para mapanatili ang drug-cleared status ng 15 bayan sa Romblon.
{googleads center}