Handa na umano ang Probinsya ng Romblon lalo na ang Odiongan sa pag-host nito sa susunod na buwan ng MIMAROPA Festival 2017 kung saan inaasahang dadaluhan ito ng aabot sa mahigit 5,000 bisita galing sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon.
“Every week nag me-meeting po kami at habang palapit ng palapit ay lumiliwanag na ang landas natin,” pahayag ni Governor Eduardo Firmalo nang makapanayan ng mga mediamen nitong Huwebes, October 27.
“Sa accomodation, maniwala ba kayo, ngayon ang lahat ng hotels ay booked na hanggang sa Alcantara at Looc,” dagdag ng Gobernador.
Wala pang nilalabas ang Provincial Tourism na Calendar of Activities at inaasahang pagkatapos pa ng UNDAS ito mailalabs ngunit sinabi ni Governor Firmalo na magkakaroon ng mga aktibidad para sa pag-unlad ng lalawigan katulad nalang ng Investment Forum, Trade Fair, at Tourism Fair.
Sinisigurado rin ni Governor Firmalo na hindi mauubusan ng pagkain ang mga bibisita ng Odiongan dahil simula pa umano noong nakaraang mga buwan ay nagpaalaga na sila ng mga tilapia at bangus na ibebenta sa MIMAROPA Festival.
Samantala, handang handa na rin ang siguridad sa bayan ng Odiongan ayon naman kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., hepe ng Odiongan Municipal Police Station.
Aniya, kaagapay ng Odiongan MPS ang iba’t ibang grupo katulad ng Kabalikat Civicom at OTRO at iba pang tropa ng pulisya galing sa Romblon Police Provincial Police Office at Romblon Provincial Public Safety Company.
Bukas naman umano 24/7 ang hotline ng Odiongan Municipal Police Station sa anumang tulong na kailangan ng mga bisita.
Maari silang kontakin sa 09303683218 o di kaya’y sa (042) 567 5113.
{googleads center}