Inanunsyo ngayong araw ng Philippine National Police na kanilang ipinapatigil na ang lahat ng programa na may kaugnayan sa Iligal na Droga kabilang na ang ‘Oplan Tokhang’.
Ito ay kasunod nang inilabas na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nalamang ang magsasagawa ng mga drug operations sa bansa.
Samantala sa Romblon, sinabi ni Romblon Police Spokeperson PSInp Ledilyn Ambonan na kanilang ipagpapatuloy sa lalawigan ang monitoring sa mga drug surrenderers.
Itinigil na rin ng pulisya sa Romblon ang pag bahay-bahay o revisitation sa mga bahay ng mga sumukong involved sa iligal na droga.
Sa buong Romblon, ang mga bayan nalang ng Odiongan at Cajidiocan ang hindi pa naidedeklarang drug-cleared municipality ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at inaasahang bago matapos ang buwan ng Oktubre ay maidedeklara ng drug-cleared ang mga ito.
{googleads center}