{googleads center}
Positibong kinilala ni Hazel Revamonte na sa kanyang asawang si Nestor Revamonte, 47, alyas Balileng, ang natagpuang bangkay kaninang umaga sa KM22 National Road, Barangay Calangatan, San Teodoro, Oriental Mindoro.
Ang mag-asawa ay residente ng Bansud, Oriental Mindoro.
Ayon sa San Teodoro Municipal Police Station, nag-jogging umano ang biktima kahapon ng hapon bilang bahagi ng kanyang routine araw-araw ngunit hindi na umano ito umuwi kinagabihan hanggang sa matagpuan nalang na wala ng buhay kanina sa bayan ng San Teodoro.
Nagtamo si Revamonte ng 4 na tama ng bala ng baril, at dalawa dito ay sa kanyang ulo. Mukhang pinahirapan rin umano ito bago patayin ayon sa pulisya.
Ilang slugs rin ang nakita ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene kung saan siya iniwan ang kanyang bangkay.
Patuloy naman ang manhunt operation ng San Teodoro Municipal Police Station sa maaring suspek sa pagkamatay ni Revamonte at patuloy na inaalam kung anong dahilan sa pagpaslang rito.