Isang pagpupugay ang nais nating ipaabot sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Romblon, syempre sa pamumuno ni District Engineer Napoelon S. Famadico matapos ang kanilang agarang pag-aksiyon sa idinulog ng ating mga kababayan at motorista sa Santa Maria, Romblon kaugnay sa eroded soil na humarang sa bahagi ng Tablas circumferential road sa may boundary ng Sto. Niño at Paroyhog sa nasabing bayan.
Makikita natin dito sa updated photo na malinis na ang bahagi ng kalsada na dati ay natatabunan ng lupa at may warning signs na rin na nakalagay.
Bagamat hindi pa lubusang natatanggal ang mga malalaking tipak ng bato, kumbinsido naman tayo na kailangang tingnan muna ang posibilidad ng muling pag landslide kapag umulan kung tuluyanng maalis ang malaking bato na sa ngayon ay tila nagsisilbing harang sa bahagi ng eroded na bundok, idagdag pa ang tiyak na resources ng opisina sa pagtatanggal at paglilinis nito.
Kudos po sa inyo.