Nitong mga nakalipas na araw at linggo, tila naging mainit na usapan ng bayan ang mga pangyayari tulad na lamang ng Senate hearing tungkol sa proliferation ng mga fake news, dagdagan pa ng ulat ng PNP na umano ay isa (1) lang ang kaso ng tinatawag na ‘extrajudicial killing’ sa bansa, na makalipas ang ilang oras ay binawi ito at ginawang zero. Syempre as usual, paniniwalaan ang ulat ng mga ‘ika nga ay ‘die hard supporters’ samantalang ang iba rin naman ay pagtatawanan na lamang ito bilang isang kasinungalingan.
Matagal na panahon na rin ang lumipas at ilang beses na rin na napag-uusapan ang EJK subalit walang naging argumento patungkol sa definition nito na hinalaw mula sa operational guidelines ng Administrative Order No. 35, s. 2012 na nilagdaan ni dating Pangulong Aquino noong November 22, 2012, at ang operational guidelines nito na naglalatag ng panuntunan sa pagpapatupad.
Hanggang nitong nakalipas nga na mga araw, matapos maglabas ng report ang PNP na umano ay isa lamang ang kaso ng EJK sa bansa, na sa huli ay ginawa na zero, dagdagan pa ng interview ng Al Jazeera kay DFA Secretary Allan Peter Cayetano na parehong nagsasabi na wala naman umanong kaso ng EJK sa bansa. Nagdulot ng hati na pang-unawa at pananaw ang mga tinuran ng dalawang opisyal ng bansa hanggang sa nitong nakaraang araw nga ay kumalat na sa social media ang basehan umano ng ulat – ang mismong definition ng ELK o EJK na nakasaad sa Article I ng Operational Guidelines of Administrative Order No. 35, s. 2012.
Pagtatanggol ng ilan, hindi umano maituturing na EJK ang mga pagpatay ng pulis sa mga taong involved sa droga dahil sa ang mga ito ay hindi sakop ng tinutukoy na definition. Obviously, ang mga nagdahilan nito ay nag-focus lamang sa item 1-a ng nasabing artikulo:
Ito ang nakasulat sa Article I, item 1-a, i, ii, iii, iv:
1. Extra-Legal Killings (ELK) or Extra-Judicial Killings (EJK) – For purposes of operationalization and implementation of A.O. No. 35, the ELK/EJK will refer to killings wherein:
a. The victim was:
i. a member of, or affiliated with an organization, to include political, environmental, agrarian, labor, or similar causes; or
ii. an advocate of above-named causes; or
iii. a media practitioner or
iv. person(s) apparently mistaken or identified to be so.
Base sa nakasaad na kategorya sa taas, wala nga naman diyan ang mga taong involved sa droga para sabhin na ang pagpatay sa kanila ng mga government forces tulad ng mga pulis ay matuturing na extrajudicial killing. Pero hindi po diyan nagtatapos ang kategorya ng biktima para pumasok ang kaso sa tinatawag na EJK. Ang Article I, item 1 na nagde-define sa kategorya ng EJK ay apat (4) at hindi lang isa. Narito ang iba pa.
b. The victim was targeted and killed because of the actual or perceived membership, advocacy, or profession;
c. The person/s responsible for the killing is a state agent or non-state agent;
d. The method and circumstances of attack reveal a deliberate intent to kill.
Samaktuwid, ang pagpatay na isinagawa ng mga government forces sa biktima na pumapasok sa apat (4) na kategoryang ito ay matatawag na extrajudicial killing. Halimbawa, referring to item c, ang isang pagpatay na ang may kagagawan ay ‘state agent’ or ‘non-state agent’ at ng item d, ay maituturing na extrajudicial killing.
Illustration: Ang taong involve sa droga ba na napatay ng pulis nang labag sa panuntunan, ay maituturing na extrajudicial killing? Himayin natin.
a – Saklaw ba ang biktima ng Item a, i, ii, iii, iv? Ang sagot ay hindi. Pero ito lang ba ang kategorya para maituring na EJK ang pagpatay? Hindi, rin dahil mayron pang 3 kategorya.
b – Was the victim targeted and killed because of the actual or perceived membership, advocacy, or profession? Ang sagot ay hindi, assuming na estudyante pa lang ang biktima at aral-bahay lang naman ang ginagawa. So does it mean na hindi EJK ang pagpatay? Ang sagot ay hindi pa, pero may dalawa (2) pang kategorya.
c – Was the person responsible for the killing a state agent, tulad halimbawa ng pulis? Ang sagot ay Oo. So does it mean na EJK ang pagpatay? Ang sagot ay Oo.
d – Was the method and circumstances of attack reveal a deliberate intent to kill? Sa ating halimbawa, hindi pa natin masabi kasi kelangan pa ito maimbestigahan.
Sa kabuoan, sa ating illustration, pasok sa item c ang pagpatay, kaya matuturing pa rin itong extrajudicial killing. Nagtataka lamang ako kung bakit at paanong nagkaroon ng diskusyon o argumento sa definition na ito e malinaw naman ang pagkakasaad.
More so, dapat ring maunawaan natin ang layunin kung bakit nilalagyan ng ‘definition of terms’ ang mga procedures o batas sa pagkakasulat nito at kung ano ang aplikasyon nito within the context and delimitations of the subject. Dapat alam din natin ang pagkakaiba ng definition na nilalagay sa ‘definition of terms’ kumpara sa sa universal definition, dahil ang nilalagay na definition sa mga procredures o guidelines ay tinatawag po nating ‘operational’ which means, ang kanyang kahulugan ay limitado sa sakop ng usapin sa subject e.g. batas at ayon sa pagkakagamit nito sa nasabing panuntunan. Pareho lang ‘yan sa ‘definition of terms’ na nilalagay sa ating mga thesis, kung saan ang kahulugan ng mga definition ay operational o ayon sa pagkakagamit nito sa thesis.
Further, sa usapin ng operational guidelines of Administrative Order No. 35, s. 2012 if ang isang uri o kategorya ng pagpatay ay hindi sakop ng definition, nangangahulugan po ito na hindi ito saklaw ng inter-agency committee na binuo sa ilalim ng nasabing A.O. at hindi po nito pinapawalang-bisa ang universal na definition ng extrajudicial killing.
Walang dapat na argumento o diskusyon dito kung tutuusin dahil malinaw naman ang lahat. Nagkaroon lamang ng diskusyon para suportahan ang claim ng PNP na zero ang kaso ng EJK sa bansa, alinsunod umano sa definition ng EJK na nakasaad sa naturang operational guidelines, mainly quoting item a, and disregarding equally important categories of b, c, and d.
Now, may EJK nga ba o wala? Kung ang paniniwala mo ay wala kahit pa hindi lingid sa’yo ang mga inosenteng kabataan tulad nila Kian at iba pa, paano po natin maitatama ang bulok na hanay sa PNP dahil sa kagagawan ng ibang myembro nito na sabihin natin mga scalawag? Naniniwala ako na matutulungan nating mailagay sa tama ang ibang mga pumapalyang ahensya ng gobyerno para naman matulungan nating maisaayos pa ang gobyerno sa pamumuno ni Pangulong Duterte kung hindi tayo magiging bulag sa pagtanto ng tama sa mali.
Ang sabi nga ni Professor Philip Alston, UN Special Rapporteur on extra judicial executions, Mission to the DR Congo, 5-15 October 2009, “Extrajudicial execution encompasses any killing by government forces as well as killings by any other groups or individuals which the government fails to investigate, prosecute and punish when it is in the position to do so.”
Ang bottomline, ‘Justice’ is justice, ano pa man ang kahulugan ng EJK para sa’yo.