{googleads center}
Ikinagulat na lang ng mga residente ng San Roque, Alcantara, Romblon nang makita nila ang dambuhalang kabute na tumubo mismo sa likod lang ng bahay ni Ofelia Guardian.
Mahigit isang linggo na rin umano ito simula nang tumubo ngunit kahit gaano kalakas ang ulan ay hindi pa rin ito nalalanta o nasisira man lang ang kakaibang kabute na ito.
Batay sa mga sumakat sa nasabing kabute, umaabot ang taas nito ng halos 1.6 feet at halos dalawang kamay naman ng tao ang lapad.
Ayon sa isang science teacher na nakausap ng Romblon News Network, tumatagal lamang ng 24 oras ang pang karaniwan o ordinaryong kabute ngunit.
Balak naman paimbestigahan sa Municipal Agriculturist ang nasabing kabute para mapag-aralan ito.