Ang isa sa pinakamagandang nangyari sa nakalipas na mga dekada ay ang pagbubukas ng isipan ng maraming tao sa kultura ng ibang bansa na kung saan unti-unti na din tayong naiimpluwensyahan sa paraan ng paghahanda ng pagkain at pagtangkilik sa mga panlasang ito. Marami ng sumubok na magbukas ng mga Fusion Cuisine sa Bayan ng Odiongan at di maikakaila na unti-unti na itong nakikilala.
Isa ang STREAT sa mga kilalang kainang nag-ooffer ng Air-conditioned Instagram-worthy selfie/groufie na lugar at masasarap na pagkain na dinarayo ng mga kabataan at propesyunal.
Isa sa mga nakatakaw pansin sa akin ay ang kanilang flavored juices na nakalagay sa lightbulb shaped glass sa halagang P17 tunay na masarap at refreshing. Patok din sa mga kabataan ang kanila barkada bundles sa murang halaga na tiyak na kagigiliwan ng mga kabataan at pawang mga nag-tatrabaho.
Sa mahilig naman kumain ng burgers, tiyak magugustuhan ninyo ang quarter-pounder UFO Burger nila na gawa sa purong karne ng Angus beef na may kasamang keso, kamatis, pipino at lettuce na palaman sa moist nilang wheat bread na exclusive lang na ginagawa para sa naturang kainan.
Kilala din ang kainan sa masarap nilang Fish-fillet na kung saan ang isdang ginagamit nila ay hindi mo basta-basta makikita sa palengke at masarap i-partner sa white-sauce dip.
Kakaunti lang ito sa dami ng masasarap nilang pagkaing ino-offer sa kanilang magandang kainan, maaari ding masubukan ang kanilang mga pasta dishes, snacks, fresh-fruits shakes at marami pang iba.
Ayon sa isa kina Ms. Kharla Vicente Cawaling at Ms. Ilonah Jean Selosa, may-ari ng nasabing kainan, “We always make sure that the ingredients we use on our food are fresh from the market,”
“When we cook our food, we cook it with love; kaya nga we encourage our customer to exercise their patience,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, ang STREAT ay nagpaplanong may daos ng buwanang event para sa kanilang mga customers.
Kung makakapagsalita lang ang apat na sulok ng gusaling iyon ay maraming kwento na siyang makukwento sapagkat nagsimula itong tahanan na naging opisina ng BFAR at ngayon ay isang magandang kainan para sa mamamayan ng Odiongan at karatig munisipyo.
Makikita ang STREAT sa tabi ng isang malaking fast-food chain sa Odiongan.
{googleads center}