Isang mass rally o information drive ang gaganapin sa Odiongan, Romblon sa darating na Sabado, October 28 na pangungunahan ng People’s Congress isang grupo nang mga taga suporta sa mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing rally ay inaasahang dadaluhan ng aabot sa 8,000 hanggang 10,000 na taga-suporta ng Pangulo sa lahat ng munisipyo sa lalawigan ng Romblon. Ito rin umano ay nationwide event at may mga kasabay na probinsya ring magkakaroon ng rally sa Sabado.
Ayon sa nagpakilalang Provincial President ng grupo na si Roberto Fortu nang makausap ng Romblon News Network, ang nasabing rally ay pagpapakita ng suporta sa kampanya ng Pangulong laban sa iligal na droga, pagsugpo sa mga kurapsyon, at ang paglalatag ng Federalism Government.
Hindi Papalitan Ang Mga Nakaupong Barangay Officials
Nilinaw rin ni Fortu ang kumakalat na balita na papalitan ng People’s Congress ang mga Barangay Officials na kasalukuyang nakaupo sa pwesto. Aniya, hangga’t walang utos galing sa Malacañang kung ang grupo ba nila ang mapipiling papalit (appoint) sa kanila ay hindi nila ito papalitan.
Ayon naman sa Department of Interior and Local Government – Romblon, wala pa silang natatanggap na direktiba galing sa National na kinakailangang palitan ang mga Barangay Officials. Ayon sa kanila, postponement palang ng Barangay at SK Elections ang kanilang natatangap na utos.
Sinabi naman sa isang direktiba ng League of Barangays of the Philippines, na hindi na kinakailangang mag eleksyon ng panibagong set of officers ng Liga ng Mga Barangay ang bawat munisipyo.
Nakasaad naman sa Section 3 ng Republic Act No. 10952 na pinirmahan ni Pangulong Duterte, lahat ng Incumbent Barangay Officials ay mananatili sa office hanggang ang kapalit nito ay ma-elect sa susunod na halalan.
Until their successors shall have been duly elected and qualified, all incumbent barangay officials shall remain in office, unless sooner removed or suspended for cause: Provided, That barangay official who are ex officio members of the sangguniang bayan, sangguniang panglungsod, or sangguniang panlalawigan, as the case may be, shall continue to serve as such members in the sanggunian concerned until the next barangay election. The Liga ng mga Barangay at the municipal, city, and provincial levels shall not later than July 31, 2018, conduct elections for ex officio positions in the sangguniangs under the supervision of the Department of the Interior and Local Government.
{googleads center}