{googleads center}
May 35 katao ang nagtapos sa kursong Construction Occupational Safety & Health (COSH) na inalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) Romblon sa pakikipagtulungan ng Corporate Occupational Safety and Health Environment Association of the Philippines (COSHEMAP) nitong Biyernes, October 06.
Ang mga nagtapos ay binubo ng mga Civil Engineers ng iba’t ibang construction firm sa lalawigan at ilang Engineers at empleyado ng Gobyerno kagaya ng Department of Public Works and HIghways, Beaure of Fire Protection, at Local Government Unit.
Ang nasabing 40-hours training na nagsimula pa nitong Lunes ay requirement para maging certifide safety practitioners ang isang safety officer of engineer sa isang construction site sa Pilipinas.
Tinuruan ang mga nagsipagtapos ng mga safety techniques na kailangan sa mga construction sites.