{googleads center}
Namahagi ng libreng pustiso ang Department of Health MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) sa aabot na 50 senior citizens ng Romblon na dumalo sa katatapos lang na Elderly Week Celebration sa Romblon State University nitong araw ng Sabado, October 07.
Ang nasabing programa ay tinawag ng Department of Health na “Ngipin Para Kay Tatang at Inang” o NgiTI, isang oral health campaign ng departamento ng kalusugan na pinunduhan ng aabot sa P250,000 o P15,000 – P20,000 kada pustiso. Ang nasabing proyekto ay may layunin na masulusyunan ang paghihirap ng ilang seniors sa pag-nguya sa pamamagitan ng mga pustiso.
Sa press release ng Department of Health MIMAROPA, sinabi ni DOH Regional Director for MIMAROPA Dr. Eduardo Janairo rito na ang nasabing programa ay paraan ng kanilang pagpaparamdam ng pasasalamat sa mga elderly filipino sa kanilang sakripisyo sa pagbabantay sa kasalukuyang henerasyon para maging ligtas at malusog.
“These initial recipients were given priority and selected by their local government units (LGU) from the list of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) of the Department of Social Welfare and Development (DSWD),” dagdag ni Dr. Janairo.
Sinabi rin ni Dr. Janairo na magpapatuloy ang ganitong proyekto sa Romblon at sa iba pang probinsya sa MIMAROPA kaya walang dapat ikabahala ang mga hindi nabigyan dahil lahat umano ng senior citizen ay magkakaroon ng sariling set ng pustiso.
“As we grow older, we need to be give full attention to our health status, such as the importance of oral health. We all only get one set of permanent teeth, so it is important to take care of them as we grow old by regularly brushing and flossing our teeth after every meal and eating a healthy, well-balanced diet that includes dairy and high-fiber foods,” sinabi pa ni Dr. Janairo.