Kung isa lang ang namatay dahil sa mababang transmission line ng NAPOCOR sa bayan ng Corcuera, Romblon, maaari ngang masabi natin na ito’y isang aksidente lamang. Subalit kung umabot na ang namatay sa tatlo sa magkatulad na dahilan, maaari na nating masabi na may kapabayaan na rito.
Mabuti naman, sa impormasyong nakarating sa RNN ay nag-utos na ang alkalde ng Corcuera na si Atty. Rachel Banares sa Sangguniang Bayan ng nasabing bayan na imbestigahan ang insidenteng ito.
Maliwanag naman po sa larawan sa taas na napakababa ang transmission line na yan oh, tila sampayan lamang ng mga damit. Kapansin pansin din na halos ilang metro lamang ang layo mula sa bahagi ng kalsada.
Naniniwala po ako na pwedeng kaagad at direktang ipag-utos ni Mayor Ballares sa NAPOCOR o sa nakakasakop na electric cooperative (kung meron man) na itaas ang kable. O kung medyo matatagalan pa na maitaas ito, isa sa maaaring temporary solusyon ay bakuran para harangan ang mga hayop o tao na makalapit sa mababang bahagi ng transmission wire.
Sana wala ng pang-apat na mamatay dahil sa sitwasyon na iyan.
Related News: